Profile pictures
Kilala siya bilang isang Eloisa Umali.
Cover Photos
Kilala bilang palakaibigan at masayahin.
Shared Photos
Masasabi ko na siya ay isang mapagmahal na anak sa kanyang mga magulang sa labas man ng facebook, at hindi lang nagtatapos sa mga magagandang post.
Palaban at handang tumulong. Laging nakasuporta sa kanyang mga kaibigan.
Muli, siya si Eloisa Umali.
Thursday, March 30, 2017
PHYSICAL ASPECT
Kasabay ng malakas
na pag-ugong ng hangin ang bagyong sumalubong saaking pagsilang bilang usang
Jem E. Jaro. Bandang hapon iyon ng Hulyo 13 taong 2000 sa Lucena City. Sa
kabila ng ganitong uri ng panahon ay hindi matatawaran ang karanasan ng aking
mga magulang na sina Medina at Jesus Jaro.
Kasagsagan ng bagyo
noon. Maraming labi ang nangangatal, maraming katawan ang nanginginig, pero
hindi ang aking ama. Kinapos sa pambayad sa ospital at sinubukang humingi ng
tulong sa isang kaibigan. Ang pagkatok sa isang pinto ay katumbas ng pagkatok
sa maraming puso. Hindi naman nabigo ang aking ama dahil nailabas akong normal.
" Jimboy, "tawag ng aking ina sa akin noon
sa pag-aakalang ako ay baby boy dahil daw sa lakas kong sumipa. Siyempre, hindi
naman lahat ng hula ay tumatama. Nakakatawa lang isipin ang mga ala-alang 'yon sa
tuwing ikinukuwento mismo ng aking ina.
Mayroong mga
pagkakataong kapag bumibisita ang aking ama sa ospital noon ay naipagkakamali
siya ng mga tao na tatay ng aking ina. Marahil ay dahil ito da malaking agwat
ng kanilang edad, 16 taon, parang sumalamin lang sa gulang ko. Lagi silang
napagtatawanan ng ibang mga pasyente sa pag-aakalang sila ay mag-ama.
Isinilang akong may
malagong buhok, singkit na mata, at medyo may katabaan. Patunay dito ang mga
gitling sa aking hita at braso. Mayroon akong asthma na minana ko sa aking lola
kaya naman pinagbabawalan akong kumain ng mga pagkaing sagana sa tsokolate.
Habang ako ay
nagkakaisip ay lumilitaw din ang aking hitsura. Pansinin ang aking balat na
balbunin . Pati na rin ang aking mga mata na minana ko sa aking amang may
dugong Hapon.
Paborito ko ang
larong "dama" na natutunan ko noong ako ay nasa ikatlong baitang sa
elementarya. Lagi kong kalaro nito ang aking ama na kahit kailan ay hindi ko
magawang talunin.
Ang outdoor sports naman
na aking kinahihiligan ay ang larong badminton. Kasams ko sa paglalaro nito ang
aking mga pinsan.
Ako lang ang
nag-iisang anak sa aming pamilya o ang " unica hija." Madalas na
mapagkamalang spoiled brat. Ngunit kahit na nasa akin lang ang lahat ng
atensyon ay tinuruan akong makuntento sa mga bagay na mayroon ako.
Minulat sa
mahahalagang kaugalian at sinanay sa payak na uri ng pamumuhay. Hi di ko
kinaaayawan ang pagkain ng gulay. Kahit na mayroon akong hika ay napapanatili
ko ang magandang kalusugan. Umiinom ako nang higit pa sa walong basong tubig sa
isang araw. Bawal ding magpuyat kaya naman laging maaga ang oras ng aking
pagtulog.
Mahigpit ang aking
mga magulang kapag kalusugan na ang pinag-uusapan. Kaya naman, hindi na ako
kumakain ng tsitsiryao kahit uminom man ng softdrinks. Mindan na akong
nagkaroon ng Urinary Trac Infection o UTI. Naging dahilan ito ng pabalik-balik
ko sa ospital.
INNER LIFE
Nasa katamtaman
lang ang aking intelektuwal na kapasidad. Sapat na ito para maunawaan ang
halaga ng buhay at ng mga bagay-bagay.
Ako ay isang
masunuring anak at hindi dominante sa ibang tao. Kung mayroon man akong
nalalaman bilang kalamangan ko sa iba, hindi ako kumikilos na parang boss.
Palaging positibo
ang aking pananaw sa buhay. Nakikita kong malinaw ang aking kinabukasan na kung
saan natupad ko na ang aking mga pangarap.
Talento ko ang
pagkanta, naging mang-aawit na rin ako sa aming kapilya.
Simula elementarya
hanggang sa kasalukuyan kong pag-aaral ay nakatatanggap ako ng mga pagkilala sa
eskwelahan. Nilalaban sa mga paligsahan tulad ng poem reciting, essay writing,
at quiz bee. Mayroong mga pagkakataong natatalo pero nananalo rin naman. Maituturing
ko 'tong malaking tagumpay para sa isang katulad kong mag-aaral.
Ang aking
imahinasyon ay mahiwaga, kakaiba, at mapanuri kaya naman hili ko ang
pagsusulat. Gumagawa ako ng sarili kong mundo upang matakasan ang realidad sa
pamamagutan ng aking pagsulat. Ito rin ang aking ambisyon.
Itinuturing kong
kabiguan ang magdulot ako ng kahinayangansa aking mga magulang dahil sa maling
pag-uugaling aking ipinakita.
May mga bagay akong
kinatatakutan. Una ay ang dilim, dahil pakiramdam ko ay hindi na ako makaaalis
mula dito. Takot din ako sa mga pagkamatay lalo na kung aking kapamilya. Pati
na rin ang mga senaryo ng aksidente sapagkat ito'y sadyang nakapangingilabot.
Mataas ang aking
pagkilala sa relihiyon dahil matibay ang aking pananampalataya sa Diyos. Ang
tatlong bagay na aking pinahahalagahan sa buhay ay ang pamilya, kaibigan, at
edukasyon.
Hindi ko hnahangad
ang luho sa buhay, magkaroon lang ng sapat na kailangan.
Ang pinakamalaki
kong kahibangan ay ang pag-iisip na kaya kong manipulahin ang bagay o tao gamit
lamang ang tingin. Masyadong malawak ang aking imahinasyon at marami akong
gustong alamin.
LIFE WITH OTHERS
Ang aking kalagayan
ay nasa uring katamtaman lamang at nakararanas din ng kagipitan. Ang aking ama
ay isa nang senior citizen kaya ang aming pamilya ay nakatatanggap na ng
pensyon mula sa SSS.
Isang butihing
maybahay naman ang aking ina. Nagbabantay sa aming munting tindahan at paigiban
kung saan napagkukuhaan din namin ng panggastos.
Lumak akong walang
kapatid na nakakasama ngunit hindi nagkulang ang aking mga magulangvsa
pagtataguyod sa akin bilang kanilang nag-iisang anak.
Ang aking kabataan
ay puno ng mga laruan at marami ang aking mga kalaro. Binusog ako ng maraming
kaibigan. Napakasaya para sa isang inosenteng bata.
Habang ako ay
nagkakaisip, ang aking mga magulang ang may pinakamalaking impluwensiya sa akin.
Mula sa pagtuturo ng tamang pag-uugali at kaayusan, hanggang da pagpapatupad ng
mga regulasyon sa bahay.
Nag-elementarya at
sekondarya ako sa mga pampublikong paaralan. Ang aking buhay-eskwelahan ay
hindi naging madali para da akin dahil sa palipat-lipat namin ng tirahan.
Masasabi kng
makulay ang aking buhay elementarya dahil narating ko ang iba't ibang lugar
tulad ng Atimonan Quezon, Sta. Elena Camarines Norte, BagongSilang Camarines
Norte at Malinta Valenzuela City sa Metro, Manila.
Nang ako ay nagsekondarya
ay tsaka pa lamang ako napirmi sa iisang paaralan hanggang sa ako ay nagtapos
sa Junior High School.
Doon ay aktibo ako
sa pagsali sa mga paligsahan at matiyagang nag-aral. Nahasa ako sa mga asignaturang
Ingles, Aaling Panlipunan, at Edukasyon sa Pagpapakatao.
Bilang isang
teen-ager, ang higit na nakaimpluwensya sa akin ay ang aking mga kaklase at kaibigan.
May mga bagay akong unang narinig, nakita, nalaman o nadiskubre sa kanila.
Ang aking
maituturing na talento ay ang pagkanta. Nakahiligan ko na ito simula pagkabata.
Katulad ng malumanay na himig ay maihahalintulad ko ang aking buhay na payak at
payapa.
Bukod sa pagsusulat,
hilig ko ring manood ng mga palabas lalo na ang mga korean novela at horror
movies. Dahil sa epekto ng aking panonood, nagkakaroon ako ng interes at higit
na pinupukaw ang aking atensyon ng mga artistang magaling sa "action
stunts."
Ang iba pang bagay
na aking libangan ay ang pakikipaglarosa aking mga pinsanat pagbuo ng rubiks
cube.
Ang huli kong napuntahang
kasiyahan ay ang debut ng aking isang kaibigan. Naging masaya ang aking karanasan
doon dahil unang beses kong makapunta sa ganoon ka-engrandeng pagdiriwang ng
kaarawan.
Ang pinakamasayang
araw sa buhay ko ay ang aking graduation, mga kaarawan , at family reunion.
Masasabi kong ang pinakamahalagang tao para sa'kin ay ang aking mga magulang.
HOME LIFE
Kasalukuyan akong
nakatira sa Lucena City at nag-aaral sa isang pampribadong paaralan. Mayroon
din kaming bahay sa Bicol malapit sa iba naming mga kamag-anak.
Mailalarawan ko ang
aming kapaligiran at mga kapit-bahay na mga palakaibigan.
Tatlo lang kami sa
bahay. May alagang aso at puso na nagsisilbi ring aliwan.
Mahigpit ang aking
ina sa usapang pagkain kaya naman nakasanayan ko na ang pagkain ng
masusustansyang gulay. Isa ito sa mga regulasyon sa aming tahanan.
Madalas akong
makantiyawang baby damulag at spoiled brat dahil da trato sa akin ng aking mga
magulang. Tuwing ako ay papasok sa paaralanay inihahatid pa ako ng aking ina
dahil takot akong tumawid.
Sa aming pamilya,
kahit nakararanas ng hirap, masaya pa rin ang buhay. Lumaki akong bukas sa tao
at hindi malayo ang loob sa'king mga magulang.
Maingat ang aking
ina sa gamit ngunit 'yong mga hindi na kailangan ay aming ibinibigay para
mapakinabangan pa ng iba.
Katulad ko , marami
rin akong iniingatan katulad ng mga koleksyon kong libro. Isa pa ay ang aking damit
na ginamit ko sa pagsasayaw ng "cha-cha" noong ako ay elementarya
dahil napaka-makabuluhan noon para sa akin. Nakatabi ito sa pinakanatatagong
sulok ng aking damitan.
Minsan, malungkot
din sa amin dahil nagkakaroon ng mga problema. Isa na dito ang pinansiyal.
Ganunpaman, nalalampadan namin ito at hindi kami nawawalan ng pag-asa at
pananampalataya sa Diyos.
Napakasarap da
pakiramdam na alalahanin ang bawat sandaling magkakasama ang aming pamilya.
Kapag wala sila sa aking tabi ay para na lang akong isang baliw na ngingiting
mag-isa. Inaalala ang aming pinagsamahan, na hanggang ngayonay patuloy naming binubuo.
Ako, bilang isang mag-aaral, mamamayan, at bilang anak na mapagmahal.
Saksi ang Lupa
Ako ay hanga sa 84 na taong gulang na si lola Oris Leyola na
sa kabila ng kanyang edad, siya ay malakas pa. Ito ay dahil sa disiplina sa
pagkain at sa uri ng kanyang pamumuhay. Malugod niya akong tinanggap sa kanyang
tahanan, na nasa gitna ng matatayog na puno ng niyog.
Gaano na po kayo
katagal na naninirahan dito?
"May 68 taon na ineng."
Sino po ang kasama n'yo
dito sa bahay?
"Ang lahat ng aking mga anak ay may kanya-kanya nang
pamilya at isa sa kanila ang bumibisita sa'kin tuwing gabi."
Aking napag-alaman na ang lupang kanyang tinitirhan ay nasa
kanyang pangangalag lamang at ito ay pag-aari ng isang mayamang angkan. Sa
kasagsagan ng aking pagtatanong , ay bigla na lamng siyang naglahad ng kwentong
kanyang kabataan.
" Sa aking pagdadalaga ineng ay nasaksihan ko ang kalupitan
ng mga Hapon sa ating kababayang mga Pilipino. Wala akong kaalam-alam sa mga
nangyayari sapagkat inosente pa ako noon."
Sinabi niyang may mga pagkakataong sila ay nag-uunahang
tumago dahil parating na ang mga Hapon na tipong kahit sa oras ng kanilang
pagkain ay iniiwan nila ito sa mesa para lang makapagkubli. Sila ay bumabalik
na lamang kapag wala na ng mga ito.
Ano po ang naranasan o
nasaksihan ninyong mga kalupitan noong panahong 'yon?
" Hindi ko makalilimutan ang isang lalaki noon na
nagnakaw ng manok. Binugbig siya ng mga Hapon bilang parusa. Pinugutan ang
manok at isinabit ito sa kanyang leeg kasama ang plakard na may nakasulat na
" ako ang magnanakaw ng manok ." Pagkatapos, siya ay ipinarada sa
buong baryo upang hiyain habang siya ay kinakaladkad. Kasabay pa ito sa saliw ng
tugtog ng mga tambol."
Noong una, ang akala ni lola ay may kasiyahang nagaganap.
Sinasabayan pa nga niya ng pag-indak ang tunog, ngunit kalaunanay nakita niya
ang pagpapahirap sa naturang lalaki at bigla siyang nakaramdam ng takot. Kaya noon,
bihira ang kaso ng pagnanakaw.
Paano po kayo
nakipagsapalaran noon?
"Sobrang hirap ng buhay noon ineng, halos walang maisuot
at walang makain. Tanging mais lamang ang nasa aming hapag. Ngunit dahil sa
sipag ng aking ama, siya ay nakikipagtaniman sa mayayamang malaki ang palayan.
Kaya kalaunan ay nakakain na rin kami ng kanin."
Dumating ang panahong tayo'y tinubos ng Amerikano at
nagpatuloy ang pagdurusa ng mga Pilipino dahil mayroon din silang taglay na
kalupitan. Nariyang walang awa silang binabaril na parang hayop sa kaunting
pagkakamali lamang. Ang mga Amerikano raw noon ay mababaitvsa mga bata.
Binibigyan sila ng malalaking tsokolate, krndi, at mga de latang pang-ulam.
Naranasan ito ng nakababatang kapatid ni lola.
Paano n'yo po
sinimulan ang inyong buhay pag-ibig?
"Noong minsang ako ay dalagita na, ay natipuhan ako ng
isang sundalong Amerikano. Lagi siyang sumisilip sa amin at pasimple akong
inaabutan ng mga tsokolate ngunit may nobyo na ako noon."
Nag-asawa siya sa edad na labing anim habang ang kanyang
asawa naman ay 17 taong gulang. Pagkatapos nilang ikasal ay sinundovtaw sila ng
isang mayamang may ari ng lupain at sila ay pinagtanim ng iba't ibang gulay at
halamang kanilang ikinabuhay tulad ng niyog, saging, palay, at mais. Pagkatapos,
naatasan silang manirahan at bantayan ang isang bahagi ng lupain sa Isabang,
Lucena City.
Ano pong pakiramdam na
sa pitong anak na mayroon kayo ay isa na lamang sa kanila ang madalas n'yong nakakasama?
"Nalulungkot ako ineng kasi sa lupang ito na aking
inalagaan sa maraming taon, dito sila lumakiat nagka-isip, at ngayon ako ay
nag-iisa na lang. Matagal na akong balo."
Bago ako umalis ay nagpasalamat muna ako kay lola dahil sa
pagpapaunlak niya sa aking ginawang interview.
Habang ako ay nasa daan pauwi ay naisip ko na sa aking
pag-alis bilang isang bisita, ay haharaping muli ni lola Orisang pag-iisa;
kasama ang kanyang mga panamim na nag-uunahang tumubo sa lupang kanyang
inaalagaan hanggang ngayon, na nagung saksi sa lahat ng kanyang pinagdaanan.
Tao at Lipunan
Sinasabi
mo bang natatakot ka sa strand na Humanities and Social Sciences? Huwag sanang
isipin na nakakatakot gumawa ng essay dahil mali ang grammar o dahil maliit ang
'yong kaalaman sa bokabularyo.
Lahat
ng bagay natututunan lalo na kapag sinamahan ng mahabang pasensya at
dedikasyon. Hindi naman lahat dito essay, o kaya naman ay tula, maikling kwento,
o nobela. Sa HUMSS, kailangan lang pairalin ang praktikalidad. Sabi nga ng
pilosopong si Socrates, " Know thyself and unto thyself be true." Kailangan
mo lang magpakatotoo sa sarili.
Ang
asignaturang Personal Development, para lang 'yang upgraded subject ng GMRC noong
elementarya ka pa. Ang Oral Communication naman, para lang English noing high school.
Ang Intro to World Religion, parang Social Studies. Siyempre, di mawawala ang
Math. Kahit kinatatakutan 'to ng marami, hindi naman mawawala sa buhay ang
proporsyon.
Karamihan sa amin ay babae at kaunti lamang ang lalaki. Siguro dahil
halos lahat ng lalaki, magaling sa Math kaya di nag- HUMSS. Ang kagandahan nito
, magkakaroon ka ng maraming matinong kaklase.
Halos
kalahati ng populasyon, pag nag-HUMSS, gustong maging teacher. Nais magbahagi
ng kaalaman sa mga bata. Hindi mo na kailangang tanungin dahil ang ganitong uri
ng mga mag-aaral ay hindi lamang kaalaman ang nais ihatid kundi karanasan.
Sa HUMSS,
pinag-aaralan ang pagkatao ng tao, ang ugali, ang personalidad. Kailangan lang
maactivate ang inner at foremost self.
Kung
sinasabi ng iba na napakalalim nito at tipong nakakanose-bleed, may punto kayo.
Hindi naman madaling pag-aralan ang tao at ang lipunan.
Hindi dapat maliitin ang strand na ito. Maraming nanghuhusga at sinasabing
pag nag-HUMSS, plakda sa Math. Hindi kayang sundan ang yapak ng tatay mong
Engineer.
Kung
sabihin ko kaya ma ang tatay ko'y abogado o pulis.
Ano
ka ngayon?
Kung
sasabihin kong ipinagmamalaki ko na ang HUMSS ang the best na strand, hindi lang
ipinagmamalaki, ipagyayabang ko pa.
Marami kang matututunantungkol sa buhay ng tao, sa buhay pag-ibig, sa
lipunan, sa gobyerno, at higit sa lahat ay moralidad.
Para sa kagalang-galang na Pangulong Duterte,
Bawat gramo ng
shabu o ecstasy na s'yang bilyong-bilyon ang halaga, ay s'ya ring katumbas ng
marami pang bagay na 'mas' mahalagasa ating bansa. Kaya nga hindi k o lubos
maisip na mayroong isang matapang na lalaki ang haharaping tunay ang ganito
kabigat na isyu na hindi mapuksa-puksa.
Mataas po ang aking
paggalang sa inyong administrasyon lalo na sa mga propagandang inyong
ipinatutupadbsa usaping droga. Naniniwala naman akong hindi man maubos, ay
labis na mababawasan ang kaguluhanat kriminalidad. Hahatulan ang lahat ng tao
na may kaugnayan sa droga.
Naaalala ko pa ang
mga katagang binitawan, "There's so much trouble in this country," at
sa huling bahagi ng isa pang patalastas na it o sa telebisyon na halos narinig
ng marami, " This is the land of my birth and the home of my people."
Sa akin man, kahit
na ulit-ulitin ko 'to sa aking isip ay hindi magpapantig.
Mabuti ang hangarin para sa tao lalo na sa para sa buong bayan.
Ngunit sa gitna ng ng lahat ng ito ay kinakailangan pa ba ang "extra-judicial
killings?" Kailangan pa ba na ang isang anak ay mawalan ng magulang,
magulang na mawalan ng anak, babae o lalaki na mawalan ng kapareha, kaibigan na
mawalan ng isang kaibigan, at bayan na mabawasan ng nasasakupan?
Sana po, ang
pagpatay sa mga taong makasalanan lalo na sa mga druglord, adik, o drug pusher
ay wala da unang listahan ng paghatol. Marami na ang nakababatid na mas marami
pa ang namatay sa extra-judicial killings kaysa sa mga naging biktima ng malupit
na Martial law.
Marami na ang
napapatay pero di n'yo po ba naisip kung ilan ang nakasamang inosente na
binulag ng maling awtoridad.
'War on drugs',
nakapangingilabot pakinggan subalit itinuturing ko itong digmaan ng buhay sa
halip na digmaan sa droga.
Maraming nagpakain
sa temptasyon. Maraming nalinlang ng salita at nabulag sa pera. Lahay, bahagi
ng reyalidad. Pero sana, magkaroon naman ng saysay ang rehabilitation center.
Lahat na ngayon instant, pati ba namn buhay?
Isinasaludo ko po ang aking kamay sa inyong katapangan at
husay sa pamumuno. Marami nang nahuli lalo na ang pinakamalaking drug trade sa Pilipinas
. Hanga ako sa inyo. Wala ni isang pangulo ang nakagawa nito.
Sa buling baįhagi, nais ko lang sabihin na hindi
lahat ng pamamalakad ay dapat idaan sa prinsipyong " The end justifies the
means."
Sana , wag nang
magkaroon ng Marcos the second, o kaya Filipino version if Donsld Trump.
Inaasahan ko ang
Rodrigo Dutete himself with a good system and a great purpose with his land of birth,
Philippines.
Mabuhay po kayo!
Akong kung magsuri ay onetime bigtime
Jem Jaro
Monday, February 13, 2017
Pang araw-araw na buhay ng isang Extended family
Para sa isang magulang , nagsisikap itaguyod ang pamilya sa kanyang sarili at makabuluhang pamamaraan. Hangad na makatulong at makapagpasaya para sa kanyang anak. |
Para sa isang Padre de Pamilya, pagod man sa paghahanap-buhay ngunit uuwing patuloy na dala ang dignidad sa trabaho. |
Para sa magkaka-pamilya, nagbibigayan kahit anong hamon man ang dumating, nand'yan pa rin sa isa't isa. |
Para sa isang anak, na sa murang edad hangad ay tumulong kahit sa maliit na paraan. |
Para sa pitong taong gulang na bata,katulad ng pagdilig sa bawat dahon ay makulay ang buhay. |
Para sa isang anak na nagmamalasakit sa hayop at ang turing sa kanila'y tunay na alaga at "companion." |
Para sa isang ama na galing sa pamamalengke, inuuwi sa kanyang pamilya ang bunga ng kanyang pawis at hirap. |
Para sa isang kuya , na inihahanda ang uniporme sa pagtatatrabaho upang matulungan ang kanyang mga magulang sa pagtataguyod ng sambahayan. |
Para sa isang lolo, bawat pagkukumpuni ay katumbas ng kagustuhang matapos ang araw ng makabuluhan. |
para sa mga anak na walang muwang sa mundo at ang unang hinaharap ay puro kasiyahan. |
Sunday, February 12, 2017
Ang Panawagang Kumalas sa Mahigpit na Kadena
Tutok na tutok ang maraming kabataan sa ginanap na film showing sa ikatlong palapag ng Pacific Mall sa Lucena City, dakong alas-dos ng hapon, Sabado.
Bahagi ito ng Arts for Human Rights sa pagdiriwang ng "Human rights day"na ayon sa isang tagapagsalita ay ipinagdiriwang din ng buong mundo. Dagdag pa niya pagkatapos ng palabas, ipinakita raw ng pelikula kung gaano kahirap ang pagkilos noong panahon ng mga Hapon dahil walang kalayaan at ang nais lumaban ay nakikibaka nang patago.
Kitang-kita sa haligi ng mall ang iba't ibang larawan na may kaugnayan sa karapatang pantao, na kinaumagahan din ng petsang 'yon idinisplay para sa panimula.
"Disiotso anyos na ako, taong 2015 ako lumahok sa EU Bahaghari. Bale tatlong taon na rin akong kasapi nito,"aniya.
"Paano n'yo, Kuya, naihanay ang ganoon kalalim na na mga salita?" tanong ko.
"Dapat ay natututo tayong alamin ang nangyayari sa bansa dahil bilang kabataan, hindi lamang umiikot ang ating buhay sa paaralan at tahanan. Hindi sa ballpen at kapirasong papel lang."
Kasabay ng pagsasalita ng speakers ng iba't ibang organisasyon, ay ang live painting o pagpipinta ng mga local artists. Kinuha ko na ang pagkakataong 'yon para makapanayam ang isa sa kanila.
Si Jasmine Lacerna, 20. "Taong 2013 ako nagsimulang magpinta nang may kinalaman sa karapatan at hustisya, pero bata pa lang ako, hobby ko na ang pagpipinta ng tao o kaya nam'y kalikasan, " aniya. "Marami napo ba kayong napuntahang lugar?" tanong ko.
"Sa totoo lang, nililibot namin ang buong Pilipinas, sa Maynila, sa mga probinsya. Napuntahan na rin namin ang Hacienda Luisita, na kung saan nakausap ko mismo ang ilang magsasaka doon at kung gaano lang sila kadaling manakawan ng lupa."
"Nanggaling na rin kami d'yan sa Tayabas na pinangyarihan ng demolisyon. May nakausap kaming matandang mag-asawa na wala sila noong panahong giniba ang kanilang bahay. Nagkalat ang gamit nila at ang iba'y nasira nang sila'y dumating.
Aniya'y 30 taon na silang naninirahan doon," dagdag niya.
"Masaya at magaan sa loob kapag nakakapagpinta ako dahil naipaparamdam ko ang naipaparamdam ko ang aking simpatya sa mga nanakawan ng karapatan."
Sa kasagsagan ng pagsasalita ng isang speaker ay pumukaw sa atensyon ng marami ang pagtatalakay sa sistema ng pamamahala ngayon. Ayon sa nagsasalita, may bilang 5,800 na ang namamatay sa extra-judicial killings na mas marami pa sa 3,600 na biktima na namatay sa Martial Law. Dagdag pa niya, isinusulong na raw sa kongreso ang pagbabalik ng death penalty kasabay ng ginagawang batas upang ibaba ang criminal liability sa gulang na siyam.
Sabi pa, karapatan daw ng bawat taong magkaroon ng desenteng pamumuhay, tahanan, at impormasyon. Hindi raw mararamdaman ng tao ang halaga ng kalayaan kapag hindi pa ito tuluyang nawawala.
Di nagtagal ay isang manunulat ng kataga naman ang hiningian ko ng interbyu. " Nagsimula akong magsulat noong 2014, ani Mark Bringel, 20.
"Ano po ang inyong mga isinusulat ?" tanong ko. "Nagsusulat ako ng tula tungkol sa pag-ibig at kwento ng mga marginalized peopleo 'yong mga taong pangkaraniwan lang na hindi napapansin sa lipunan. Kasamahan ko rin dito si Alvin Ursua na manunulat din sa kataga," sagot niya. "Ano pong nais nyong iparating sa mga kabataang gusto ring magsulat?" kasunod kong tanong.
"Bago ka maging writer, maging tao ka muna. Si Alvin ang nagsabi sa'kin n'yan at totoo."
Habang nagmemeryenda ang ilang mga kasapi ng EU Bahaghari ay nakapanayam namain si Aaron Bonette, 22, kasalukuyang Nat'l secretary General ng EU Bahaghari.
"Last 2013, kasama ako sa mga estudyanteng bumuo ng Bahaghari. Kami ang nagtayo

ng 1st LGBT organization sa Enverga University. Ngayon ako ang nagsusupervise sa buong 30 chapters nito sa Pilipinas.
Gusto n'yo pong sabihin. Kayo na mga kabatan na katulad ko rin na isang 'bakla' o mapatomboy man, tayong lahat ay parte ng lipunan. At ang lipunan natin ay nangangailangang punan ang mga panawagan na isulong ang karapatan ng bawat isa.
"Makikita nating di pa rin nawawala ang diskriminasyon sa LGBT. Kung mapapansin natin 'yong nangyari kay Jennifer Laude last 2014, siya ay nilunod sa inidoro, sinakal, at pinatay ng kanong navy. Noong taon ding iyon ay 33 beses na sinaksak si Jennifer Ononuevo na taga- Tayabas. Isa rin siyang transgender.
"Sa amin sa LGBT community makakamit lang namin 'yong rights namin kung may equality," Dagdag niya, isipin daw ng tao ang kani-kanilang limitasyon dahil habang nag-eevolve ang mundo ay ganoon din daw ang creativity ng isang tao.
"Gamitin natin ang kanya-kanyang kaalaman para isulong ang ating karapatan."
Ilang minuto pa ay malapit nang matapos ang isang speaker sa unahan at kalauna'y nilapitan ko s'ya. May maipapayo po ba kayo sa mga kabataan patungkol sa karapatan?
"Makinig ng balita, manood ng TV, Magbasa ng dyaryo , bumuo ng kanyang opinyon at magsalita," ani German Mercado, 55, miyembro ng Akbayan Partylist.
Kayong mga bata, hindi dapat maging passive kasdi pinalaki kayo sa ganoong kultura. Laging may authority. Hindi naman natin sinasabing sa lahat, sila ay dominante. Kaya lang, kaya nga kayo pinag-aaral, para maassert n'yo kung ano sa tingin nyo'y tama."
"Prove your word, prove your point. Huwag maging bulag na tagasunod kasi hindi lahat ng awtoridad, tama."
Ibinigay n'yang halimbawa ang nangyayari ngayong giyera sa droga tulad ng kaso sa pagpatay kay Mayor Espinosa. Nasabi ring hanggang ngayon ay wala pa rin ni isang napapatay na drug lord.
"Dati, ang sinasabi ng batas, "to prove beyond reasonable doubt," bago ka mahatulan dahil may rehabilitasyon 'yong tao. Ngayon, inaakusahan ka pa lang, pinapatay ka na."
"Hindi ganito ang nais nating lipunan na pinamamayanihan ng karahasan. Kaya may mga taong hindi makapagsalita dahil takot."
Si German ay may apat na anak at lahat sila'y guro. Pinalaki niya silang marunong mag-analisa at maging mapanuri sa mga kaganapan.
Maya-maya pa ay unti-unti nang nauubos ang mga dumalo sa nasabing pagtitipon, ngunit mayroong ilang hindi natinag ng gabi. Naglagay ng itim na tali sa ulo, nasgsindi ng kandila, at sumama sa mga taong sumisigaw ng...
"Ipaglaban! Karapatan, Karapatan!..."

Tuesday, February 7, 2017
"Taklob"
Sadyang tayo'y makasasabay sa mga eksenang ipinakita sa pelikula. Lahat nakararanas ng mapait na tadhana tulad ng masunugan ng bahay, mawalan ng mahal sa buhay, mangulila sa anak, o ipagpalit sa iba ng sariling asawa. Minsan na akong lumuha sa mga ganitong uri ng sitwasyon dahil ang ilan sa mga ito ay aktuwal ko nang naranasan o kaya nama'y ng aking pamilya.
Ang pelikula ay tunay na buhay dahil totoong hindi lahat ng kwento ay may "happy ending," madalas ay iiwan tayong lutang sa kawalan.

" Kamusta naman po kaya Mang Renato? "
" Eto tinatanggap ang katotohanang mag-isa na lang ako sa buhay,minsan nga hinihiling ko na sana tangayin na lang ako ng alon, tutal wala naman akong ibang mapupuntahan." Karaniwang salitain ng mga taong masaklap ang naranasan at tuluyan nang nawalan ng pag-asa para mabuhay.
Binibigyang - pansin ng pelikula ang kalimitang kaganapan sa ating lipunan. Sa dinami - rami ng taong nasalanta ng bagyong Yolanda ay mas pinili ang mga kwento nina Bebeth, Larry, Carlo, at Renato dahil ang mga ito ang pinakatagos sa tao.
Mahirap gumawa ng isang film na magulo ang galaw ng kamera, marahil maipagkakamali ito ng iba na masakit sa mata. Ngunit lamang nitong ipaunawa sa mga manonood na ang kamera mismo ang mata ng mga manonood. Kapag tayo'y tumitingin, ang ating mata'y hindi lamang nakatuon sa isang bagay. Malikot itong nagmamasid sa paligid.
Napakasakit ang masunugan ngunit wala nang mas hihigit pang sakit sa katotohanang kasamang natupok ang 'yong buong pamilya tulad ng nangyari kay Mang Renato. Mabigat din sa loob ang sumuko sa pananalig sa Diyos katulad ni Larry.
Marami tayong natutunghayang ganito, araw-araw na laman ng balita't pahayagan na pawang dinelubyo ng kalamidad at reyalidad.
Sa mga partikular na nangyari sa pelikula, kabiguan lahat ang dala. Hindi natin masasabing sa buhay lahay ay maganda dahil karamiha'y pagsubok tulad ng nais ipabatid ng direktor na si Briliante Mendoza. Talagang maituturing na suliranin ang humuhulma sa reyalidad.
"Taklob ang pamagat hindi lamang dahil sa Tacloban ito naganap kundi ipinahihiwatig din nito na taklob tayo ng nakaraan. Mananatili ang alaalang mapait dahil hindi madaling kalimutan ang sakit.
Hindi birong danasin ang mawalan, mamatayan, o ang maiwan man dahil dala nito ang salantang puso at buong pagkatao, mga sugat na hindi madaling maghilom.
Sunday, February 5, 2017
Kasaysayan ng sanaysay
Ipinahayag ni Alejandro G. Abadilla na ang sanaysay ay nagmula sa dalawang salita, ito ang sanay at pagsasalaysay o ang "nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay." Maituturing natin itong panitikang tuluyan na naglalahad ng kuru-kuro,damdamin, kaisipan at saloobin ng manunulat tungkol sa makabuluhan at napapanahong isyu. Dagdag pa niya, mahalaga ang pagsusulat at pagbabasa ng sanaysay sapagkat natututo ang mga mambabasa mula rito.
Itinuturing na sanaysay ang talambuhay dahil nagsasaad ito ng kasaysayan ng buhay ng isang tao. Hindi lamang nito sakop ang kapanganakan at kamatayan bilang upang paksa. Isinulat din ang mga talambuhay upang magsilbing gabay ng mga mambabasa sa kanilang pamumuhay. Binibigyang pansin nito ang mga katangiang dapat tularan at iwasan. Nagbibigay impormasyon din ito tungkol sa buhay ng paksa.
Ayon kay Nenita Pagdanganan - Obrique, "ito ang nagsisilbing makinarya sa pangangalat ng mga akdang babasahin. Ginawa ito para mas maunawaan ng mga mambabasa ang mga isinulat. Naging daluyan ng ideolohiya ang sanaysay dahil karaniwang paksain nito ay pumapatungkol sa pulitika, relihiyon, teknolohiya, at iba pa.
Nilikha ang sanaysay upang ibahagi sa tao ang pananaw ng may katha. Maaaring ang manunulat ay pumuna, magbigay - opinyon at impormasyon, maglahad ng obserbasyon, pagtalakay sa araw - araw na pangyayari, pagbabalik - tanaw sa nakaraan o pagmumuni. Isang uri ito ng pakikipag-komunikasyon sa pamamagitan ng lathalain na may nais ipabatid sa tao.
Naging malaking kontribusyon ng sanaysay ang mga naililimbag na akda tungkol sa pagsasa-Kristiyano ng mga katutubo noon. Sa pamamagitan nito , ay naikalat ang mga anekdotang moral, himno, at pagpapaliwanag ng mga prinsipyong Katolisismo. Sa ilalim ng pananakop ng mga Kastila, marami sa mga katutubo ang pinaslang, pinagbayad ng mataas na buwis, at nabiktima ng forced labor. Dahil dito, naging daluyan ng obserbasyon ang mga pahayagansa pamamagitan ng iba't-ibang anyo ng sanaysay tulad ng tudling, liham, lathalain, dyornal, talaarawan at sermon.
Ang pormal na sanaysay ay pinag-aralang mabuti ng sumulat. Nagbibigay impormasyon ito tungkol sa isang bagay, hayop, lugar at pangyayari. Nasa pagkakasunud-sunod ang mga mahahalagang kaisipan upang lubos na maunawaan ng mambabasa, at umaakma ang salita sa isyung napili. Samantala, ang di - pormal na sanaysay ay nagtataglay naman ng opinyon at paglalarawan. Lahat ng ito ay tumutukoy sa mga pangyayari sa kapaligiran at sa mismong karanasan ng sumulat.
Ang malikhaing sanaysay ay pumupukaw sa interes ng mga mambabasa dahil gumagamit ito ng teknik ng maikling kwento. Hindi ito nakaiinip basahin at maituturing na "relatable" para sa mga mambabasa.
Para kay Gutkind, kinakailangang taglayin ng sanaysay ang mga sumusunod:pagsasabuhay at pakikipamuhay sa realidad ng sinusulat; pananaliksik sa napiling paksa; pagninilay sa nakalap na datos; pagbabasa ng mga teksto at ang mismong pagsusulat. Para naman kay Gerard, una, mayroon itongmalinaw na sabjek. Pangalawa, ito ay napapanahon. Pangatlo, pagsasalaysay ng magandang kwento at huli, pagmumuni-muni ng may akda.
Ang blog ay isang website na parang isang talaarawan. Ang mga bloggers o ang mga taong nagsusulat sa blog ay kalimitang isinusulat ang kanilang opinyon. Ang ilan naman ay ginagamit ito bilang online diary kaya ang blog ay interaktibo sa mga gumagamit.

Subscribe to:
Posts (Atom)