Thursday, March 30, 2017

Para sa kagalang-galang na Pangulong Duterte,

   Bawat gramo ng shabu o ecstasy na s'yang bilyong-bilyon ang halaga, ay s'ya ring katumbas ng 
marami pang bagay na 'mas' mahalagasa ating bansa. Kaya nga hindi k o lubos maisip na mayroong isang matapang na lalaki ang haharaping tunay ang ganito kabigat na isyu na hindi mapuksa-puksa.
   Mataas po ang aking paggalang sa inyong administrasyon lalo na sa mga propagandang inyong ipinatutupadbsa usaping droga. Naniniwala naman akong hindi man maubos, ay labis na mababawasan ang kaguluhanat kriminalidad. Hahatulan ang lahat ng tao na may kaugnayan sa droga.
   Naaalala ko pa ang mga katagang binitawan, "There's so much trouble in this country," at sa huling bahagi ng isa pang patalastas na it o sa telebisyon na halos narinig ng marami, " This is the land of my birth and the home of my people."
   Sa akin man, kahit na ulit-ulitin ko 'to sa aking isip ay hindi magpapantig.
Mabuti ang hangarin para sa tao lalo na sa para sa buong bayan. Ngunit sa gitna ng ng lahat ng ito ay kinakailangan pa ba ang "extra-judicial killings?" Kailangan pa ba na ang isang anak ay mawalan ng magulang, magulang na mawalan ng anak, babae o lalaki na mawalan ng kapareha, kaibigan na mawalan ng isang kaibigan, at bayan na mabawasan ng nasasakupan?
   Sana po, ang pagpatay sa mga taong makasalanan lalo na sa mga druglord, adik, o drug pusher ay wala da unang listahan ng paghatol. Marami na ang nakababatid na mas marami pa ang namatay sa extra-judicial killings kaysa sa mga naging biktima ng malupit na Martial law.
   Marami na ang napapatay pero di n'yo po ba naisip kung ilan ang nakasamang inosente na binulag ng maling awtoridad.
   'War on drugs', nakapangingilabot pakinggan subalit itinuturing ko itong digmaan ng buhay sa halip na digmaan sa droga.
   Maraming nagpakain sa temptasyon. Maraming nalinlang ng salita at nabulag sa pera. Lahay, bahagi ng reyalidad. Pero sana, magkaroon naman ng saysay ang rehabilitation center.
Lahat na ngayon instant, pati ba namn buhay?
Isinasaludo ko po ang aking kamay sa inyong katapangan at husay sa pamumuno. Marami nang nahuli lalo na ang pinakamalaking drug trade sa Pilipinas . Hanga ako sa inyo. Wala ni isang pangulo ang nakagawa nito.
   Sa buling baįhagi, nais ko lang sabihin na hindi lahat ng pamamalakad ay dapat idaan sa prinsipyong " The end justifies the means."
   Sana , wag nang magkaroon ng Marcos the second, o kaya Filipino version if Donsld Trump.
   Inaasahan ko ang Rodrigo Dutete himself with a good system and a great purpose with his land of birth, Philippines.

   Mabuhay po kayo!
                                                                                 Akong kung magsuri ay onetime bigtime


                                                                                                          Jem Jaro

No comments:

Post a Comment