Thursday, March 30, 2017

                                                        Tao at Lipunan

   Sinasabi mo bang natatakot ka sa strand na Humanities and Social Sciences? Huwag sanang isipin na nakakatakot gumawa ng essay dahil mali ang grammar o dahil maliit ang 'yong kaalaman sa bokabularyo.
   Lahat ng bagay natututunan lalo na kapag sinamahan ng mahabang pasensya at dedikasyon. Hindi naman lahat dito essay, o kaya naman ay tula, maikling kwento, o nobela. Sa HUMSS, kailangan lang pairalin ang praktikalidad. Sabi nga ng pilosopong si Socrates, " Know thyself and unto thyself be true." Kailangan mo lang magpakatotoo sa sarili.
   Ang asignaturang Personal Development, para lang 'yang upgraded subject ng GMRC noong elementarya ka pa. Ang Oral Communication naman, para lang English noing high school. Ang Intro to World Religion, parang Social Studies. Siyempre, di mawawala ang Math. Kahit kinatatakutan 'to ng marami, hindi naman mawawala sa buhay ang proporsyon.
   Karamihan sa amin ay babae at kaunti lamang ang lalaki. Siguro dahil halos lahat ng lalaki, magaling sa Math kaya di nag- HUMSS. Ang kagandahan nito , magkakaroon ka ng maraming matinong kaklase.
  Halos kalahati ng populasyon, pag nag-HUMSS, gustong maging teacher. Nais magbahagi ng kaalaman sa mga bata. Hindi mo na kailangang tanungin dahil ang ganitong uri ng mga mag-aaral ay hindi lamang kaalaman ang nais ihatid kundi karanasan.
   Sa HUMSS, pinag-aaralan ang pagkatao ng tao, ang ugali, ang personalidad. Kailangan lang maactivate ang inner at foremost self.
   Kung sinasabi ng iba na napakalalim nito at tipong nakakanose-bleed, may punto kayo. Hindi naman madaling pag-aralan ang tao at ang lipunan.
   Hindi dapat maliitin ang strand na ito. Maraming nanghuhusga at sinasabing pag nag-HUMSS, plakda sa Math. Hindi kayang sundan ang yapak ng tatay mong Engineer.
   Kung sabihin ko kaya ma ang tatay ko'y abogado o pulis.
   Ano ka ngayon?
   Kung sasabihin kong ipinagmamalaki ko na ang HUMSS ang the best na strand, hindi lang ipinagmamalaki, ipagyayabang ko pa.

   Marami kang matututunantungkol sa buhay ng tao, sa buhay pag-ibig, sa lipunan, sa gobyerno, at higit sa lahat ay moralidad.

No comments:

Post a Comment