Thursday, March 30, 2017

PHYSICAL ASPECT
   Kasabay ng malakas na pag-ugong ng hangin ang bagyong sumalubong saaking pagsilang bilang usang Jem E. Jaro. Bandang hapon iyon ng Hulyo 13 taong 2000 sa Lucena City. Sa kabila ng ganitong uri ng panahon ay hindi matatawaran ang karanasan ng aking mga magulang na sina Medina at Jesus Jaro.
   Kasagsagan ng bagyo noon. Maraming labi ang nangangatal, maraming katawan ang nanginginig, pero hindi ang aking ama. Kinapos sa pambayad sa ospital at sinubukang humingi ng tulong sa isang kaibigan. Ang pagkatok sa isang pinto ay katumbas ng pagkatok sa maraming puso. Hindi naman nabigo ang aking ama dahil nailabas akong normal.
 "  Jimboy, "tawag ng aking ina sa akin noon sa pag-aakalang ako ay baby boy dahil daw sa lakas kong sumipa. Siyempre, hindi naman lahat ng hula ay tumatama. Nakakatawa lang isipin ang mga ala-alang 'yon sa tuwing ikinukuwento mismo ng aking ina.
   Mayroong mga pagkakataong kapag bumibisita ang aking ama sa ospital noon ay naipagkakamali siya ng mga tao na tatay ng aking ina. Marahil ay dahil ito da malaking agwat ng kanilang edad, 16 taon, parang sumalamin lang sa gulang ko. Lagi silang napagtatawanan ng ibang mga pasyente sa pag-aakalang sila ay mag-ama.
   Isinilang akong may malagong buhok, singkit na mata, at medyo may katabaan. Patunay dito ang mga gitling sa aking hita at braso. Mayroon akong asthma na minana ko sa aking lola kaya naman pinagbabawalan akong kumain ng mga pagkaing sagana sa tsokolate.
   Habang ako ay nagkakaisip ay lumilitaw din ang aking hitsura. Pansinin ang aking balat na balbunin . Pati na rin ang aking mga mata na minana ko sa aking amang may dugong Hapon.
   Paborito ko ang larong "dama" na natutunan ko noong ako ay nasa ikatlong baitang sa elementarya. Lagi kong kalaro nito ang aking ama na kahit kailan ay hindi ko magawang talunin.
   Ang outdoor sports naman na aking kinahihiligan ay ang larong badminton. Kasams ko sa paglalaro nito ang aking mga pinsan.
   Ako lang ang nag-iisang anak sa aming pamilya o ang " unica hija." Madalas na mapagkamalang spoiled brat. Ngunit kahit na nasa akin lang ang lahat ng atensyon ay tinuruan akong makuntento sa mga bagay na mayroon ako.
   Minulat sa mahahalagang kaugalian at sinanay sa payak na uri ng pamumuhay. Hi di ko kinaaayawan ang pagkain ng gulay. Kahit na mayroon akong hika ay napapanatili ko ang magandang kalusugan. Umiinom ako nang higit pa sa walong basong tubig sa isang araw. Bawal ding magpuyat kaya naman laging maaga ang oras ng aking pagtulog.
   Mahigpit ang aking mga magulang kapag kalusugan na ang pinag-uusapan. Kaya naman, hindi na ako kumakain ng tsitsiryao kahit uminom man ng softdrinks. Mindan na akong nagkaroon ng Urinary Trac Infection o UTI. Naging dahilan ito ng pabalik-balik ko sa ospital.


INNER LIFE
   Nasa katamtaman lang ang aking intelektuwal na kapasidad. Sapat na ito para maunawaan ang halaga ng buhay at ng mga bagay-bagay.
   Ako ay isang masunuring anak at hindi dominante sa ibang tao. Kung mayroon man akong nalalaman bilang kalamangan ko sa iba, hindi ako kumikilos na parang boss.
   Palaging positibo ang aking pananaw sa buhay. Nakikita kong malinaw ang aking kinabukasan na kung saan natupad ko na ang aking mga pangarap.
   Talento ko ang pagkanta, naging mang-aawit na rin ako sa aming kapilya.
   Simula elementarya hanggang sa kasalukuyan kong pag-aaral ay nakatatanggap ako ng mga pagkilala sa eskwelahan. Nilalaban sa mga paligsahan tulad ng poem reciting, essay writing, at quiz bee. Mayroong mga pagkakataong natatalo pero nananalo rin naman. Maituturing ko 'tong malaking tagumpay para sa isang katulad kong mag-aaral.
   Ang aking imahinasyon ay mahiwaga, kakaiba, at mapanuri kaya naman hili ko ang pagsusulat. Gumagawa ako ng sarili kong mundo upang matakasan ang realidad sa pamamagutan ng aking pagsulat. Ito rin ang aking ambisyon.
   Itinuturing kong kabiguan ang magdulot ako ng kahinayangansa aking mga magulang dahil sa maling pag-uugaling aking ipinakita.
   May mga bagay akong kinatatakutan. Una ay ang dilim, dahil pakiramdam ko ay hindi na ako makaaalis mula dito. Takot din ako sa mga pagkamatay lalo na kung aking kapamilya. Pati na rin ang mga senaryo ng aksidente sapagkat ito'y sadyang nakapangingilabot.
   Mataas ang aking pagkilala sa relihiyon dahil matibay ang aking pananampalataya sa Diyos. Ang tatlong bagay na aking pinahahalagahan sa buhay ay ang pamilya, kaibigan, at edukasyon.
   Hindi ko hnahangad ang luho sa buhay, magkaroon lang ng sapat na kailangan.
   Ang pinakamalaki kong kahibangan ay ang pag-iisip na kaya kong manipulahin ang bagay o tao gamit lamang ang tingin. Masyadong malawak ang aking imahinasyon at marami akong gustong alamin.

LIFE WITH OTHERS
   Ang aking kalagayan ay nasa uring katamtaman lamang at nakararanas din ng kagipitan. Ang aking ama ay isa nang senior citizen kaya ang aming pamilya ay nakatatanggap na ng pensyon mula sa SSS.
   Isang butihing maybahay naman ang aking ina. Nagbabantay sa aming munting tindahan at paigiban kung saan napagkukuhaan din namin ng panggastos.
   Lumak akong walang kapatid na nakakasama ngunit hindi nagkulang ang aking mga magulangvsa pagtataguyod sa akin bilang kanilang nag-iisang anak.
   Ang aking kabataan ay puno ng mga laruan at marami ang aking mga kalaro. Binusog ako ng maraming kaibigan. Napakasaya para sa isang inosenteng bata.
   Habang ako ay nagkakaisip, ang aking mga magulang ang may pinakamalaking impluwensiya sa akin. Mula sa pagtuturo ng tamang pag-uugali at kaayusan, hanggang da pagpapatupad ng mga regulasyon sa bahay.
   Nag-elementarya at sekondarya ako sa mga pampublikong paaralan. Ang aking buhay-eskwelahan ay hindi naging madali para da akin dahil sa palipat-lipat namin ng tirahan.
   Masasabi kng makulay ang aking buhay elementarya dahil narating ko ang iba't ibang lugar tulad ng Atimonan Quezon, Sta. Elena Camarines Norte, BagongSilang Camarines Norte at Malinta Valenzuela City sa Metro, Manila.
   Nang ako ay nagsekondarya ay tsaka pa lamang ako napirmi sa iisang paaralan hanggang sa ako ay nagtapos sa Junior High School.
   Doon ay aktibo ako sa pagsali sa mga paligsahan at matiyagang nag-aral. Nahasa ako sa mga asignaturang Ingles, Aaling Panlipunan, at Edukasyon sa Pagpapakatao.
   Bilang isang teen-ager, ang higit na nakaimpluwensya sa akin ay ang aking mga kaklase at kaibigan. May mga bagay akong unang narinig, nakita, nalaman o nadiskubre sa kanila.
   Ang aking maituturing na talento ay ang pagkanta. Nakahiligan ko na ito simula pagkabata. Katulad ng malumanay na himig ay maihahalintulad ko ang aking buhay na payak at payapa.
   Bukod sa pagsusulat, hilig ko ring manood ng mga palabas lalo na ang mga korean novela at horror movies. Dahil sa epekto ng aking panonood, nagkakaroon ako ng interes at higit na pinupukaw ang aking atensyon ng mga artistang magaling sa "action stunts."
   Ang iba pang bagay na aking libangan ay ang pakikipaglarosa aking mga pinsanat pagbuo ng rubiks cube.
   Ang huli kong napuntahang kasiyahan ay ang debut ng aking isang kaibigan. Naging masaya ang aking karanasan doon dahil unang beses kong makapunta sa ganoon ka-engrandeng pagdiriwang ng kaarawan.
   Ang pinakamasayang araw sa buhay ko ay ang aking graduation, mga kaarawan , at family reunion. Masasabi kong ang pinakamahalagang tao para sa'kin ay ang aking mga magulang.

HOME LIFE
   Kasalukuyan akong nakatira sa Lucena City at nag-aaral sa isang pampribadong paaralan. Mayroon din kaming bahay sa Bicol malapit sa iba naming mga kamag-anak.
   Mailalarawan ko ang aming kapaligiran at mga kapit-bahay na mga palakaibigan.
   Tatlo lang kami sa bahay. May alagang aso at puso na nagsisilbi ring aliwan.
   Mahigpit ang aking ina sa usapang pagkain kaya naman nakasanayan ko na ang pagkain ng masusustansyang gulay. Isa ito sa mga regulasyon sa aming tahanan.
   Madalas akong makantiyawang baby damulag at spoiled brat dahil da trato sa akin ng aking mga magulang. Tuwing ako ay papasok sa paaralanay inihahatid pa ako ng aking ina dahil takot akong tumawid.
   Sa aming pamilya, kahit nakararanas ng hirap, masaya pa rin ang buhay. Lumaki akong bukas sa tao at hindi malayo ang loob sa'king mga magulang.
   Maingat ang aking ina sa gamit ngunit 'yong mga hindi na kailangan ay aming ibinibigay para mapakinabangan pa ng iba.
   Katulad ko , marami rin akong iniingatan katulad ng mga koleksyon kong libro. Isa pa ay ang aking damit na ginamit ko sa pagsasayaw ng "cha-cha" noong ako ay elementarya dahil napaka-makabuluhan noon para sa akin. Nakatabi ito sa pinakanatatagong sulok ng aking damitan.
   Minsan, malungkot din sa amin dahil nagkakaroon ng mga problema. Isa na dito ang pinansiyal. Ganunpaman, nalalampadan namin ito at hindi kami nawawalan ng pag-asa at pananampalataya sa Diyos.

   Napakasarap da pakiramdam na alalahanin ang bawat sandaling magkakasama ang aming pamilya. Kapag wala sila sa aking tabi ay para na lang akong isang baliw na ngingiting mag-isa. Inaalala ang aming pinagsamahan, na hanggang ngayonay patuloy naming binubuo. Ako, bilang isang mag-aaral, mamamayan, at bilang anak na mapagmahal.

1 comment: